Oras

Mikko Renz Santos

Madami tayong oras na pwedeng gamitin para sa atin
'Di na kailangan pang isipin ang maliit na bagay na malabong maganap
Sa natitirang oras na hawak-hawak kong iyong mga kamay
Tibok ng puso ay magkasabay sa bilis
Habang kayakap ka hindi na ba matitiis
Sabihin sa akin kung naiinip at tatapusin na natin nang mabilis
Para di na maghintay kung hindi makasabay sa paglalakbay patungo sa kalangitan

Mahaba pa ang oras natin wala ng sandali na sasayangin pag kasama ka
Pag kasama ka
Mahaba pa ang oras natin wala ng sandali na sasayangin pag kasama ka
Pag kasama ka

Lalong umiinit ang gabi habang magkadikit ang ating mga labi
Habang binubulong mo ang pangalan ko
Habang ako'y nakapikit na para bang nanaginip pinipilit paniwalaan na ito nga ay totoo
At 'di imahinasyon sa aking utak
Kasama ka hanggang sa dulo, minuto, segundong lumipas 'di na aatras
Sisimulan ang panibagong yugto alam mo na ang gusto ko
Isang magandang dalaga na aking pinapangarap nasa harapan ko na
Mula sa aking paggising ikaw ang nasa isip ko
Tanghali, sa hapon ikaw ang hinahanap ko
At sa pagsapit ng gabi makakasama na sa iisang silid kung saan lahat magtutugma

Sa wakas ay wala ng hahadlang wala ng iisipin pa
Ngayong kasama ka wala ng hahanapin pa
Sa wakas ay wala ng hahadlang wala ng iisipin pa
Ngayong kasama ka wala ng hahanapin pa

Mahaba pa ang oras natin wala ng sandali na sasayangin pag kasama ka
Pag kasama ka
Mahaba pa ang oras natin wala ng sandali na sasayangin pag kasama ka
Pag kasama ka

Mahaba pa ang oras natin
Wala ng sasayangin pa
Mahaba pa ang oras natin
Wala ng sasayangin pa
Mahaba pa ang oras natin
Wala ng sasayangin pa

Curiosidades sobre la música Oras del Miko

¿Quién compuso la canción “Oras” de Miko?
La canción “Oras” de Miko fue compuesta por Mikko Renz Santos.

Músicas más populares de Miko

Otros artistas de Reggae music