Probinsyano

Joey Bunquin

[Verse 1]
Ako'y probinsyano, purong Batangueño
Nangarap lumuwas, maghahanap ng trabaho dito
Alam niyo?
Ang perang bitbit ko'y inutang pa ng tatay ko
Ang kanyang bilin, 'di dapat kalimutan
Huwag ipakitang wala akong alam kanino man
Upang 'di maisahan
Ng mga manlolokong promdi ang binabanatan
Sa terminal ng bus na pampasahero
Sa akin may nagtanong, "Loton ka ba, pare ko?"
Upang 'di mahalata ay sumagot ako
At ang sabi ko na lang, "Kumusta na ba'ng inaanak ko?
Gaya ng nakasanayan, kapag mayro'ng hagdanan
Pares ng aking tsinelas ay akin lang iiwan
Nang sa bus ay bumaba, ito'y 'di namataan
Nasabi ko na lang, "Ala eh, grabe kawatan"

[Chorus]
Oh, oh-oh, oh-oh-oh
Oh, oh-oh, probinsyano
Oh, oh-oh, oh-oh-oh
Oh, oh-oh, probinsyano

[Verse 2]
Sa'king paglalakad, ako ay nagtaka
Bakit dito sa Maynila, wala nang nakapalda?
Lalaki sa babae, walang pinag-iba
Mahahaba ang buhok at may hikaw pa sa tainga
Akin ding napagmasdan, mga kababaihan
Hindi ko nakilala kung 'di pa nagtawanan
Ang usapan, aking napakinggan
Ang sabi ng isa, "Saang planeta galing 'yan?"
Nang aking mapansin bawat taong magdaan
Bakit lahat sila sabay-sabay kung magtawanan?
Nang aking mapuna, ako pala'ng tinitingnan
'Pagkat bukayo kong dala, akin palang naupuan

[Chorus]
Oh, oh-oh, oh-oh-oh
Oh, oh-oh, probinsyano
Oh, oh-oh, oh-oh-oh
Oh, oh-oh, probinsyano

[Instrumental Break]

[Chorus]
Oh, oh-oh, oh-oh-oh
Oh, oh-oh, probinsyano
Oh, oh-oh, oh-oh-oh
Oh, oh-oh, probinsyano

[Verse 3]
Habang aking hinahanap itong pupuntahan
Mayro'ng isang babae akong nakatinginan
Ako ay nagulat nang ako ay kindatan
Lumapit siya't ang sabi "Pogi, please, join me naman"
Ako ay natigilan, pilit pinag-isipan
Ang babae bang ito'y aking kababayan?
'Di ko pa nasasagot itong katanungan
Itong seksing babae, nag-aya sa sinehan
'Di maipaliwanag aking naramdaman
Sa kasama kong babae, ako'y sunod-sunuran
Sa loob ng sinehan, ako'y kinabahan
Kay dilim ng paligid, 'di kami magkakitaan
Pakapa-kapa akong naghanap ng upuan
Kaya't nalimot ko ang babaeng sinamahan
Nang aking mapansin ang aking lukbutan
Walang umaalog at tila yata gumaan
Ako'y nagdumaling lumabas ng sinehan
Noon ko lang nalaman, ako ay nadukutan
Naglalakad akong mukha'y nakasimangot
Umaasa na makita pa ang mandurukot
Nang may isang lalaking humarang sa daan
Bigla na lang sinabing "Pare, may piso ka ba d'yan?
Ako ay natigilan, walang maibigay
Hindi nakasagot, natuyuan na ng laway
Nainis ang lalaki, ako ay inupakan
Nagtawag pa ng iba at ako'y pinagtulungan
Bugbog ang inabot, kay laking disgrasya
Kaya't napilitang umuwi na ng probinsya
Kaya, mga kabayan, makinig kayo
Kung pupuntang Maynila, magdala kayo ng piso
Kung wala kayong piso, bugbog aabutin niyo
'Wag na lang mangarap na maging Manileño

[Chorus]
Oh, oh-oh, oh-oh-oh
Oh, oh-oh, probinsyano
Oh, oh-oh, oh-oh-oh
Oh, oh-oh, probinsyano
Oh, oh-oh, oh-oh-oh
Oh, oh-oh, probinsyano
Oh, oh-oh, oh-oh-oh
Oh, oh-oh, probinsyano

Curiosidades sobre la música Probinsyano del Michael v

¿Cuándo fue lanzada la canción “Probinsyano” por Michael v?
La canción Probinsyano fue lanzada en 1991, en el álbum “Joke Time”.
¿Quién compuso la canción “Probinsyano” de Michael v?
La canción “Probinsyano” de Michael v fue compuesta por Joey Bunquin.

Músicas más populares de Michael v

Otros artistas de Television series