Kailan Kaya

Hindi na sana nagkalayo
Nasanay na akong kapiling ka
Hindi umasang magkaganito
Ngunit dahil sa iyo heto ako
Ipapakita ko sayo
Lahat ng pagbabago ko

Kailan kaya kita makikita
At kailan ko kaya maipapakita
Hindi nawawala sa isip ko ang tinig mo
Kailan ka babalik sa buhay ko

Naaalalang sinabi mo
Sa kamay ko ay aasa ang mundo
Nangungulila ako sayo
Lagi nang ikaw ang hinahanap ko
Lahat ito dahil sayo
Lahat ng pagbabago ko

Kailan kaya kita makikita
At kailan ko kaya maipapakita
Hindi nawawala sa isip ko ang tinig mo
Kailan ka babalik sa buhay ko
Kailan ka babalik sa puso ko

Músicas más populares de Michael v

Otros artistas de Television series