Habol

Muling nabuklat ang kalungkutan mo
Gaya ng librong may sagot sa tanong na
Manatili o lumayo
Bakit hindi ka parin matalino

Araw araw pagkagising tulala
Bago matulog umiiyak
Tama bang manghabol sa tanging tao
Na kaya kang saktan

Kung ito ay krimen lahat tayo kulong
Inalok tumikim nalulong umiyak
Kumapit sa pamilya bigla
Sadyang walang saklolo sa pusong bulag
Ano ka
Gamu-gamo
Alam nang masakit lapit pa ng lapit

Tama bang manghabol sa tanging tao
Na kaya kang saktan
Ang hilig kasi manghabol sa tanging tao
Na kaya kang saktan

Tama bang manghabol sa tanging tao
Na kaya kang saktan
Ang nag-iisang taong may alam kung paano
Ka saktan ay siya ring nag-iisang tao na
Hindi mo makayang iwan

Itulog mo na yan

Músicas más populares de Maude

Otros artistas de Contemporary R&B