Pangako

Bakit ba may lungkot sa ‘yong mga mata ako kaya’y di nais makapiling sinta
Di mapapansin ako sayo’y may pagtingin sana ang tinig ko’y iyong dinggin

Ako ngayo’y di mapalagay pagkat ang puso ko’y nalulumbay
Sana ay pakaingatan mo ito at tandaan mo ang isang pangako

Pangako hindi kita iiwan pangakong di ko pababayaan pangako hindi ka na mag-iisa
Pangakong magmula ngayo’y tayong dalawa ang magkasama

Ano itong nadarama ko ako kaya’y nahuhulog umiibig na sayo
Sa tuwing kasama ka’y anong ligaya sana sa akin ay magtiwala

Kung tunay man ang nadarama mo mayron akong nais malaman mo
Ang aking puso ay iyong-iyo wag sanang lumimot sa pangako

Pangako hindi kita iiwan pangako di ko pababayaan
Pangako hindi ka na mag-iisa pangakong magmula ngayo’y tayong dalawa

Pangako hindi kita iiwan pangako pangako hindi ka na mag-iisa (hindi kita iiwan)
Pangakong magmula ngayo’y tayong dalawa ang magkasama pangako

Músicas más populares de Martin Nievera

Otros artistas de Middle of the Road (MOR)