Mananatili

Di na gumising
Magmula ng ika'y maging laman nitong panaginip
O biglang tumigil
Ang oras magbuhat ng ika'y natala sa aking isip
Nandito lang ngunit hindi maamin
At hanggang sa aking huling pag idlip

Laging mananatili sa labi
Mga ngiting naiwan
Nang sandaling masilayan ka
Sa puso'y mananatili (mananatili mananatili mananatili)

Bakit di mapigil
Damdami'y tuwang tuwa
Sa bawat saglit makapiling
Paano sasabihing
Pagsinta'y umaapaw
At di sapat aking tinig
Nandito na ngunit hindi maamin
At hanggang sa'king muling pag idlip

Laging mananatili sa labi
Mga ngiting naiwan
Ng sandaling masilayan ka
Sa puso'y mananatili na kapiling ka
Iniingat ingatan ko aking sinta
Dinadalangin sa bawat gabi ay ikaw

Laging mananatili sa labi
Mga ngiting naiwan
Ng sandaling masilayan ka
Sa puso'y nandito
Palaging mananatili sa labi
Mga ngiting naiwan
Ng sandaling masilayan ka
Sa puso'y mananatili

Músicas más populares de Marlo Mortel

Otros artistas de Film score