Sana'y Dinggin Mo
Ngayon lamang nadarama ng puso ko
Tila yata umiibig na sa'yo
Ikaw lang ang pangarap
Ikaw ang tanging hanap
Sana'y iyong malaman
Pag-ibig ko'y walang hanggan
Sana'y dinggin mo ang awit ng puso ko
Ang bawat himig at titik nito aalay sa'yo
Sana'y dinggin mo ang sigaw ng puso kong nagmamahal
Magpakailan ma'y di magbabago
Nandito lang ako
Wag mo sanang muling saktan
Ang damdamin ko
Dahil minsan nang nabigo't lumuha lang ito
Ngunit sa'yo natutong tumibok
Muli ang puso
Tanging sa'yo lamang
Pag-ibig ko'y ilalaan
Sana'y dinggin mo ang awit ng puso ko
Ang bawat himig at titik nito aalay sa'yo
Sana'y dinggin mo ang sigaw ng puso kong nagmamahal
Magpakailan ma'y di magbabago
Nandito lang ako
Iisa lang ang aking hinihiling
Ang tapat na pag-ibig ko
Iyong tanggapin
Sana'y dinggin mo ang awit ng puso ko
Ang bawat himig at titik nito-aalay sa'yo
Sana'y dinggin mo ang sigaw ng puso kong nagmamahal
Magpakailan ma'y di magbabago
Ang pag-ibig ko'y di maglalaho
Sana'y dinggin mo (sana'y dinggin mo)
Sana'y dinggin mo (sana'y dinggin mo)
Sana'y dinggin mo