Saan?

Ralph William Datoon

Wala naman akong nais banggitin
'Di pag uusapan lahat na nangyayari sa atin
Pagkatapos akong lamunin at suyuin ng panahon
Pati sa panaginip 'din manlang huminahon

Sadyang gusto ko lang naman tanungin
Ang 'yong mata na madalas nagsisinungaling
Ang galing, parang kahapon lang mahal mo ako
Hindi inaasahang ganito ka magbabago

Pero kahit ganto
Naiisip mo man lang ba ako?
Kase kahit saan magpunta
Hinahanap ko ang 'yong mukha
At baka biglang magkita pa tayo

Sa Kyusi, Sa UP, sa Kalsada ng BGC
Pagkalipas ng ilang taon
Makikita mong walang tinapon
Di ko binaon bagkos, tinanim
Sa aking puso at isip
Nung gabing iniwan mo ako
Habang buhay nakong maghihintay sa'yon

Bumalik
Bumalik, sa akin

Ang dami pa nating nais puntahan
Mga plano natin na sumusuntok sa buwan
Ngayon siya na ang kasama mo kung saan saan
Saang banda nagkamali para iyong iwanan?

Sa tuwing ako'y masaya
Naiisip parin kita
At kahit saan ako magpunta
Hinahanap ko ang 'yong mukha
At baka biglang magkita pa tayo

Sa Kyusi, Sa UP, sa Kalsada ng BGC
Pagkalipas ng ilang taon
Makikita mong walang tinapon
Di ko binaon bagkos, tinanim
Sa aking puso at isip
Nung gabing iniwan mo ako
Habang buhay nakong maghihintay sa'yong

Bumalik
Bumalik, sa akin

(Saan, Saan, Saan)

Sa museo ng Antipolo
Sa MOA o sa Maginhawa
Nais kang makasama

Saan ka?

Curiosidades sobre la música Saan? del Maki

¿Cuándo fue lanzada la canción “Saan?” por Maki?
La canción Saan? fue lanzada en 2023, en el álbum “Tanong”.
¿Quién compuso la canción “Saan?” de Maki?
La canción “Saan?” de Maki fue compuesta por Ralph William Datoon.

Músicas más populares de Maki

Otros artistas de Hip Hop/Rap