Panalangin

Aking sinta nabihag mo itong puso ko
Nakita ka aking mundo'y tila nagbago
May isang anghel bigay ng langit walang papalit
Maamong mukha walang hihigit sana nga'y iyong dinggin

Panalangin mapasa'kin
Ang iyong ngiti ang iyong halik
Panalangin mapasa'kin
Ako'y sabik sa iyong lambing

Sa ilalim ng buwan pinangako'y walang hangganan
Nawa'y ito'y bigyan ng pansin ang aking hiling
Ng tadhana ng mga Diyos mga tala
Dahil sa'yo lamang nakita ang bukas ko

Panalangin mapasa'kin
Ang iyong ngiti ang iyong halik
Panalangin mapasa'kin
Ako'y sabik sa iyong lambing

Hindi alintana ang tanging kailangan
Tayong dalawa'y magkasama
Sa hirap at ginhawa
Sa lungkot at ligaya

Dahil ako'y naniwala
Dahil sa'yo nagtiwala
Aking panalangin
Sinagot na nila ah

Panalangin mapasa'kin
Ang iyong ngiti ang iyong halik
Panalangin mapasa'kin
Ako'y sabik sa iyong lambing
Aking sinta nabihag mo itong puso ko

Músicas más populares de Magnus Haven

Otros artistas de Pop rock