Pa-Victim

Di ka pa rin ba nagsasawa?
Lagi na lang ikaw yung kawawa.
Meron ka naman kasing magagawa
Pero puro ka ngawa ayaw kumawala

Kasinungalingang matamis sarap pakinggan
Kaya di maiwan yung kasintahan
Kahit nasaksihan yung kalokohan
"kasi baka mabago ko pa kanyang kalooban"

Well makinig ka sakin woman eto yung katotohanan
Tigl mo yang kabobohan wala yang patutunguhan

Tong katabi ko kanina pa bumubulong
Bwiset sa kagroupo nya na hindi tumutulong
Pabigat ba sa thesis edi tanggalin mo
Kesa maging parasitiko sya sa galing mo

Tong sa harap ko kawawa naman sa trabaho
Overtime na lang palage stuck pa sa mahabang byahe
Wowork ng weekends rereklamo bakit grabe
Walang pahinga pa-alala ko lang pare
May karapatan ka namang di mag overtime
Yung pagdeclinemo sa'yong boss ay hindi naman crime

Di ka pa rin ba nagsasawa?
Lagi na lang ikaw yung kawawa.
Meron ka naman kasing magagawa
Pero puro ka ngawa ayaw kumawala

Katotohanang mapait, dapat pakinggan
Di ka naman mabait, sadyang duwag ka lang
cyaw bang manakit o takot masaktan?
Baka raw kasi magalit, kapag nahindian

Di mapigil maines, sa feeling princess
Don't settle for less pero sya ay mistress
Feeling damsel in distress, na sobrang choiceless
cbuses her kindness pero yes siya nang yes

No need to be righteous to have the right to choose
Bat sya naa-abuse? victim blaming ang excuse
Strong independent, sa kanyang pantasya
Feeling innocent na enabler siya

Pagkamartyr cinareer, di sincere, nagvolunteer
I am here to interfere, it is clear na out of fear
... of confrontation, thirst of recognition
Sick seeking validation, this diss is medication

Di ka pa rin ba nagsasawa?
Lagi na lang ikaw yung kawawa.
Meron ka naman kasing magagawa
Pero puro ka ngawa ayaw kumawala

Músicas más populares de LJ

Otros artistas de Dance music