Sa Aking Mga Kamay

Ako'y umibig ng wagas sa isang lalaking may balbas
Matipuno ang katawan mga salitang binibigkas
Mabulaklak at matamis nakahanda na magtiis
Tila nagbagong mabilis ihip ng hangin lumihis

Sa kulungan nagmistulang bihag ng 'yong kasakiman
Paniniwala na sinasampay gumagapos sa'king kamay

Ako'y umibig ng tapat sa isang makinis ang balat (oh)
Tindig kisig kanyang tangkad laging namamangha ang lahat (oh)
Buhok n'ya na kulay ginto kilig na 'di humihinto (oh)
Parang kalsadang lumiko mga pangarap ko'y bigo (oh)

Sa kulungan nagmistulang bihag ng 'yong karangyaan (oh)
Kaunlarang kanyang alay gumagapos sa'king kamay (ha)

May isang lalaking marahas pagmamahal na patalas (ha)
Pananakit na madalas pisngi na may pasa't gasgas (ha)
Mga mata na kay singkit tila ba nakapikit (ha)
Latay mula sa hagupit lagi na lang nakapiit (ha)

Sa kulungan nagmistulang bihag ng 'yong kalupitan (ha)
Kayamanan na tinataglay gumagapos sa'king kamay (ha)

Nagmahal ng tatlong beses umibig at nasawi
Kuting na iniligaw upang 'di makauwi
Parang sayang sayad sa putik na 'di maitupi
Parang sayang naman kaya sinubukan na lang uli
Nang makilala ko si Juan ay maayos naman
Akay-akay ang aking kamay pababa ng hagdan
Direcho sa mga mata pilit pinagmamasdan
Umabot sa punto na hinayaan ko na ako'y hagkan
Ibinigay ang lahat kasabay ng pag-aakala
Na ang lalaking ito ang tunay na mag-aalaga
Eto pa siya daw ang palaging bahala
Nasan na bakit pa laging ako ang kawawa
Ibinentang parang tupa sa kung kani-kanino
Magbayad ka lang ng upa halika pwede ka dito
Inanakan ng inanakan ng mga matalino
Nakatago sa anino mabaho kahit maligo

Kinalbo n'yang aking buhok (ha)
Ang lason ay pinalunok (ha)
Ang pusong 'di na tumitibok (ha)
Hagdan ng bahay ko'y marupok (ha)

Sinangla nyang aking ginto (ha)
Maging ang luha ko't dugo (ha)
Parusang walang hinto (ha)
Ako'y sadya nga bang bigo (ha)
Sa kulungan nagmistulang bihag ng 'yong kasakiman (ha)
Pagtitiwala na nakasampay gumagapos sa'king kamay (ha)
Nakagapos ang aking kamay (ha)

Curiosidades sobre la música Sa Aking Mga Kamay del KZ Tandingan

¿Cuándo fue lanzada la canción “Sa Aking Mga Kamay” por KZ Tandingan?
La canción Sa Aking Mga Kamay fue lanzada en 2017, en el álbum “Soul Supremacy”.

Músicas más populares de KZ Tandingan

Otros artistas de Pinoy pop