Tulay

Kyleswish ., TineTine Loresto, Yayoi Corpuz

Pinipilit naman na maging masaya
Kahit na alam ko na hindi na talaga
Pinipikit ko ang aking mata
Tuwing makikitang hawak ka niya

Sana 'di na lang ginawa na pagtagpuin kayong dalawa
Ako dapat ang nandiyan kayakap mo siya tuwing ika'y masaya
Takbuhan kapag may problema sandalan kapag nahihirapan na
Sana ako na lang sana ay hindi na lang (ang nasa p'westo niya)

Sana hindi na lang kita hinayaan na mapunta ka lang sa kaniya
Ako ngayon 'yung nahihirapan dahil ako 'yung nagpaubaya
Sana hindi na lang ako naging tulay
Kung kaya ko lamang na bawiin ang 'yung kamay
Hindi ko na lang sana binigay

Masakit pa lang nakikita kita na masaya ka na
Nandito ako nakatitig na lang sa inyong dalawa
Bakit hindi ko pa nahalata na sa 'kin may iba na
Ako pang naging daan para mapunta ka sa kaniya

Kung alam ko lang nung una pa lang 'di na sana hinayaan na lang
Kung meron lang sanang tapang sasabihin ko na sana Ako na lang
Kung 'di lang sana ako naging tulay
At 'di ka sa kaniya ibinigay

Sana hindi na lang kita hinayaan na mapunta ka lang sa kaniya
Ako ngayon 'yung nahihirapan dahil ako 'yung nagpaubaya
Sana hindi na lang ako naging tulay
Kung kaya ko lamang na bawiin ang 'yung kamay
Hindi ko na lang sana binigay

Sana hindi na lang kita hinayaan na mapunta ka lang sa kaniya
Ako ngayon 'yung nahihirapan dahil ako 'yung nagpaubaya
Sana hindi na lang ako naging tulay
Kung kaya ko lamang na bawiin ang 'yung kamay
Hindi ko na lang sana binigay

Otros artistas de Contemporary R&B