Di Na Matatanggap

Kung sasabihin di na mahal
At wala na sa'yong pakialam
Matatanggap mo ba kung mawawala sayo
Pag-ibig at pagsuyo ko
Pagod na ang puso kong maghintay
Ako na lang ba ang nagmamahal
Alam kong wala na akong halaga para sayo
Mas mabuti na 'koy lumayo

Di na matatanggap
Isusuko na ang lahat
Di na matatanggap
Dito na magwawakas
Ngayo'y alam ko na ang tunay kong nadarama
Pag-ibig ko sayo
Ay wala na wala na

Bakit kailangan mong itago
Sa tuwing kasama mo ako
Ba't di tanggapin ang tunay na damdamin mo
Minsa'y minahal mo rin ako

Di na matatanggap
Isusuko na ang lahat
Di na matatanggap
Dito na magwawakas
Ngayo'y alam ko na ang tunay kong nadarama
Pag-ibig ko sayo

Sana'y may magmahal sayo muli (sana'y may magmahal sayo)
Tulad ng pag-ibig ko at di na magkamali
Tunay na pag-ibig minsan lang dadaan
Wag mong sayangin 'to
Tulad ng pag-ibig ko

Di na matatanggap
Isusuko na ang lahat
Di na matatanggap
Dito na magwawakas
Ngayo'y alam ko na ang tunay kong nadarama
Pag-ibig ko sayo
Ay wala na

Oh ayoko na ay ay ayoko na
Ngunit mahal parin kita

Músicas más populares de Kris Lawrence

Otros artistas de Contemporary R&B