Mag - Isa

Kailangan bang may magsabi
Kailangan pa bang marinig
Kita ang bawat lungkot sa mata
Alam kong ika'y mag-isa

Sa pagdilim ng langit
At sa pagpatak ng ulan
Nagtatanong ang litong isipan
Saan ka nga ba nagkulang

Mag-isa alam ko na nasaktan ka
Di ka niya kayang ipaglaban pa
Nagmahal ng iba
Iniwan kang lumuluha

Hindi mo alam kung paano
Paano magsisimula
Habang ikaw ay umiiyak pa
Nakalimutan ka na niya

Mag-isa alam ko na nasaktan ka
Di ka niya kayang ipaglaban pa
Nagmahal ng iba
Iniwan kang lumuluha

Tahan na alam ko na masakit pa
Matututunan mo ring magmahal
Kahit di pa handa
Isang araw gigising kang
Masaya bakit nga ba (masaya)
Ikaw ay umaasa pa

Mag-isa alam ko na nasaktan ka
Di ka niya kayang ipaglaban pa
Nagmahal ng iba
Iniwan kang lumuluha

Tahan na alam ko na masakit pa
Matutunan mo ring magmahal
Kahit di pa handa
Isang araw nagising ng masaya

Mag-isa

Músicas más populares de Kithara

Otros artistas de Middle of the Road (MOR)