Lisan (feat. Sion)

Mark Jayson Germina, Princess Roselle Germina

Wala na bang pag-asa na ika'y umuwi
Hinihintay parin kita na bumalik
Kailan masisilayan ang iyong ngiti
Bumalik ka na
Balik ka na

Wala na bang pag-asa na ika'y umuwi
Hinihintay parin kita na bumalik
Kailan masisilayan ang iyong ngiti
Bumalik ka na
Balik ka na

Dumilat nanaman nang wala ka na pala 'saking tabi
Parang kailan lang nung huling nakita pa kita na nakangiti
Di ko pa 'ata kayang tanggapin na wala ka na
'Nasan ka na? Uuwi ka pa ba?
'Di mo ba marinig ang hinaing at pangangamba
'Wag ka munang umalis
Ako ay nalilito't nag aalala
Akala ko ikaw ay akin nang kasama
Sa hirap at ginhawa
Ba't hindi ka na mahawakan
Tila may nakita ng liwanag
At unti-unti na ngang tumatakbo papalayo
Pwede mo bang ipaliwanag
Ba't kailangan mong lumisan
Ng wala man lang paalam
Puso ay nahihirapan
Ikaw lang aking kailangan
Luluhod kung kinakailangan

Wala na bang pag-asa na ika'y umuwi
Hinihintay parin kita na bumalik
Kailan masisilayan ang iyong ngiti
Bumalik ka na
Balik ka na

Wala na bang pag-asa na ika'y umuwi
Hinihintay parin kita na bumalik
Kailan masisilayan ang iyong ngiti
Bumalik ka na
Balik ka na

Hingang malalim nang ika'y aking yakapin
At nagtaka na tila ba ako'y umakap sa hangin
Aking nakita sariling nakahiga
At nang masilayan ko ang iyong pag luha
Ako ba ay tila nagtaka
Aking pakiramdam para bang manhid ang buo kong katawan
Aking naaninag banaag ng liwanag
Na siyang sumambulat na ako'y parang isang bulag
Na kumakapa tila ba balisa
Nais kong sabihin mga salitang nais sambitin
Ngunit tila walang nakakadinig
Ayaw bumuka ng aking bibig
At sa sobrang tahimik nabibingi ang aking pandinig
Nais kong hagkan ka ngunit kapalaran na ang siyang nag pasya
Pilitin ko mang humakbang palapit
Mundo'y lalong sumisikip
At sa lakas nitong hanging may dalang pait
Saan ako kakapit
Napakalayo at dahan-dahang lumalabo na tila ba sumasabay sa ihip
Ang linyang aking iginuhit na aking sinusundan at sa kapalaran ay walang kasagutan
Hanggang sa magsara nga itong aking mga mata
At ang tangi kong dala ay ang siya mong ala-ala

Wala na bang pag-asa na ika'y umuwi
Hinihintay parin kita na bumalik
Kailan masisilayan ang iyong ngiti
Bumalik ka na
Balik ka na

Wala na bang pag-asa na ika'y umuwi
Hinihintay parin kita na bumalik
Kailan masisilayan ang iyong ngiti
Bumalik ka na
Balik ka na

Curiosidades sobre la música Lisan (feat. Sion) del KeeN

¿Quién compuso la canción “Lisan (feat. Sion)” de KeeN?
La canción “Lisan (feat. Sion)” de KeeN fue compuesta por Mark Jayson Germina, Princess Roselle Germina.

Músicas más populares de KeeN

Otros artistas de Industrial rock