Dito Ka Na Muna

Princess Roselle Germina

Pwede bang dito ka na muna?
Kahit nakaw na sandali
Pwede ba kitang mayakap?
Sa kalmado mong dibdib
Gusto kong umidlip

'San pa ba ito patungo
Kung ikaw lang ang alam kong takbuhan
Hanggang 'kelan ba aasa
Baka pwede rin namang dito ka na muna

Pwede ba kung di rin naman tinadhana
'Wag nalang pagtagpuin ni Bathala
Mata'y ipipikit kahit na masakit
Ayoko pang bumitaw
Pwede bang dito ka na muna?

Hindi mo na kailangan pa na maghintay
Agad narin naman ako na sasabay
Tila hinahanap 'di na mahagilap dating pinangarap ko
Gusto ko lang naman na iyong marinig
Para narin naman ngayon ay mahimbing na
'Di na makatulog para bang bangungot
Kung ikaw ay aalis
At kahit na wala ka na
Sa puso't isip ko'y ikaw walang iba
Di na makatulog para bang bangungot kung ikaw ay hihindi na

At baka pwede naman
Baka pwede naman
Pwede ba
Kung di rin naman tinadhana
'Wag nalang pagtagpuin
Pagtagpuin

Bakit ka lumisan?
'Di ko pa 'to kaya
Dito ka na muna
Bakit ka lumisan?
'Di ko pa 'to kaya
Dito ka na muna
Bakit ka lumisan?
'Di ko pa 'to kaya
Dito ka na muna

Curiosidades sobre la música Dito Ka Na Muna del KeeN

¿Quién compuso la canción “Dito Ka Na Muna” de KeeN?
La canción “Dito Ka Na Muna” de KeeN fue compuesta por Princess Roselle Germina.

Músicas más populares de KeeN

Otros artistas de Industrial rock