Palayain
Kris Javeloza
Gulong-gulo ang isip
Laging bumabalik
Alaala ng nakalipas
Pero pilit kong iniiwasan
Ang lahat ng ating nakaraan
Lagi kang naaalala tuwing
Nag-iisa
Di ko mapigilan ang pagpatak
Ng mga luha
Pero kaylangan kong
Palayain ang puso ko
Di ko maisip
Bakit gan'to ang sinapit
Di na sana kita inibig
Pero di na pwede pang balikan
Pagkat lalo lang masasaktan
Lagi kang naaalala tuwing
Nag-iisa
Di ko mapigilan ang pagpatak
Ng mga luha
Pero kaylangan kong
Palayain ang puso ko