Mahal Pa Kita

Kamusta ka ngayon
Lumipas ang taon
Mula nang tayo'y nagkasama
Kay bilis ng panahon
May nagbago man mula noon
Mayroong nanatili sa tuwina
Puso ko'y nangungulila pa
Ang puso ko hanggang ngayon hinahanap ka

Kung kailan ako ay nagpaalam na
Nais ko ay makapiling ka
Kung kailan iba kayakap ko
Ay ikaw na lang sana

Kung kailan ako ay nakalaya na
Upang makahanap ng iba
Ay saka ko lang napagtanto
Na mahal pa rin kita
Mahal pa kita

Aaminin ko
Marami nga akong
Pangarap na ginustong makamit
Ngayon bumabalik-tanaw
At klaro na ikaw
Ang nag-iisang naniwala sa akin
Kailangang magpigil ng damdamin
Kailangang sarilihin na mahal ka pa rin

Kung kailan ako ay nagpaalam na
Nais ko ay makapiling ka
Kung kailan iba kayakap ko
Ay ikaw na lang sana

Kung kailan ako ay nakalaya na
Upang makahanap ng iba
Ay saka ko lang napagtanto
Na mahal pa rin kita
Mahal pa kita (bakit ko ninanais na)
Mahal pa kita (tayo'y hindi na iisa)
Mahal pa kita

Huli man ang lahat sa pagmamahal
Kailanman handa akong maghintay ng kay tagal
Bumalik sana (bumalik sana)
Ang dating pagsinta
Sana

Kung kailan ako ay nagpaalam na
Nais ko ay makapiling ka
Kung kailan iba kayakap ko (kayakap ko)
Ay ikaw na lang sana (ikaw na lang sana)
Kung kailan ako ay nakalaya na upang makahanap ng iba
Ay saka ko lang napagtanto
Na mahal pa rin kita (kita)

Mahal pa kita (bakit ko ninais na)
Mahal pa kita (tayo'y hindi na iisa)
Mahal pa kita (bakit ko ninais na)
Mahal pa rin kita (tayo'y hindi na iisa)
Mahal pa kita

Mahal pa kita
Mahal pa kita
Na mahal pa rin kita

Mahal pa kita
Mahal pa kita
Mahal pa kita
Na mahal pa rin kita

Músicas más populares de Katrina Velarde

Otros artistas de Asiatic music