Alay
Pinagpala ang makilala ka
Ikaw ang dahilan ng aking paghinga
At sayong mga mata
Pag-ibig ay damang-dama
Di masusukat aking ligaya
Ngunit sa kabila ng lahat
Ika'y aking nakakalimutan
At sa oras ng kahinaan di ka nang-iiwan
Ito ay alay ko sayo (ito ay alay ko sayo)
Panalangin ng isang hamak na katulad ko
Ito ay alay ko sayo (ito ay alay ko sayo)
Awiting kinakanta ng puso ko
Pinagpala ang makilala ka
Ikaw ang dahilan ng aking paghinga
Lahat ng ito'y wala kundi dahil sayo
Di masusukat ang iyong puso
Ngunit sa kabila ng lahat
Ika'y aking nakakalimutan
At sa oras ng kahinaan di ka nang-iiwan
Ito ay alay ko sayo (ito ay alay ko sayo)
Panalangin ng isang hamak na katulad ko
Ito ay alay ko sayo (ito ay alay ko sayo)
Awiting kinakanta ng puso ko
Ito ay alay ko sayo (ito ay alay ko sayo)
Panalangin ng isang hamak na katulad ko
Ito ay alay ko sayo (ito ay alay ko sayo)
Ganap na pagsuko sa piling mo