Maghihintay Ako

Dante Bantatua

[Intro]
Ooh-ooh

[Verse 1]
Yakapin mo ako nang mahigpit
Bago ka umalis, mm-mm
Hawakan mo ang aking kamay
At muli mong hagkan, bago ka lumisan

[Verse 2]
Maari bang sabihin muli
Na ako lang ang 'yong mahal?
At wala nang ibang hahadlang, mm-mm
Sa ating pagmamahalan

[Chorus]
Maghihintay ako sa'yong pagbabalik
Nandito lang ako, ano man ang mangyari
Baunin mo sa'yong pag-alis
Mga ligaya ng nakaraan
Maghihintay ako, oh (Maghihintay)
Ooh-ooh, ooh-ooh-ooh

[Bridge]
Bakit pa ba kinakailangan na ikaw ay lumisan?
Upang abutin, pangarap natin
Ako'y umaasa at nagdarasal
Na tayo'y muling magsasama, ah

[Chorus]
Maghihintay ako sa'yong pagbabalik
Nandito lang ako, ano man ang mangyari
Baunin mo sa'yong pag-alis
Tibay ng damdamin at pagmamahal

[Refrain]
Mawawala ka man dito sa'king tabi
'Di ko 'pagpapalit ang ating pag-ibig
Mananatiling tapat sa pangako
Handang maghintay sa gitna ng lumbay

[Breakdown]
Maghihintay ako, maghihintay ako
Maghihintay ako, oh-oh, ooh-ooh, ooh

[Outro]
Yakapin mo ako nang mahigpit
Bago ka umalis

Curiosidades sobre la música Maghihintay Ako del JONA

¿Cuándo fue lanzada la canción “Maghihintay Ako” por JONA?
La canción Maghihintay Ako fue lanzada en 2017, en el álbum “Jona”.
¿Quién compuso la canción “Maghihintay Ako” de JONA?
La canción “Maghihintay Ako” de JONA fue compuesta por Dante Bantatua.

Músicas más populares de JONA

Otros artistas de House music