Bawat Pasko

Kahapon lamang tayo'y magkasama pa
Sabay nangangarap ng buhay na masaya
Ngunit isang bigla naglaho ang lahat
Ngayong pasko pala'y hindi ka na mayayakap

Di na alam kung pano na muling ngingiti
Hanap hanap kita sa lahat ng sandali
Ang hirap lang taon taon merong pasko
Pero ang tulad mo minsan lamang dumaan
Sa buhay ko

Sa bawat Christmas tree na kayganda
Bawat parol at batang kumakanta
Bawat simbang gabi
Bawat lugar na masaya
Maaalala ka
Maaalala ka

Ang mga tawa mo hindi ko na maririnig
Ngunit pag-ibig ko sayo'y nandito lang
Sa 'king tabi
At kahit na lumipas na itong pasko
Ang ala-ala mo habang buhay ay kapiling ko

Sa bawat Christmas tree na kayganda
Bawat parol at batang kumakanta
Bawat simbang gabi
Bawat lugar na masaya
Ngayong wala ka na
Maaalala ka

Sa bawat Christmas tree na kayganda
Bawat parol at batang kumakanta
Bawat simbang gabi
Bawat lugar na masaya
Maaalala ka
Maaalala ka

Músicas más populares de Jona

Otros artistas de Pinoy pop