Adan, Bakit Ka Ganyan?

Hindi sa ako'y sumusuko
Hindi sa ako'y nababakla
Kung inyong susuriing mabuti
Ang babae'y nakakabulaga

Kapag ang babae'y naisahan
Tayo ay naliligayahan
Kapag tayo'y nahimasmasan
Malamang siya'y ating mahal

Ako'y takot din minsan sa babae
O anong sakit pag siya'y kumana
Ako'y takot din minsan sa babae
Mas may tama ka pag siya'y nagwala

Kapag ang babae'y nasaktan
Sa pagbalik mo siya ay aayaw
Masakit ang hindi di mo makuha
Ang bagay na nakuha mo na

Ako'y takot din minsan sa babae
O anong sakit pag siya'y kumana
Ako'y takot din minsan sa babae
O anong sakit pag siya'y nagwala

Oh ako'y natatakot na
Sa susunod ako'y mag-iingat na
Ako'y natatakot na sa mga babae
Mas masakit ang nararanasan ko
Pag sila'y kumakana

Músicas más populares de Joey De Leon

Otros artistas de Film score