Pasasalamat
Dakilang Manlilikha narito po ako
Bunga ng pag-ibig sa palad ng mundo
Puso'y umaawit awiting alay ko
Salamat sa inyo
Salamat sa araw sa buwan at bituin
Sa hayop at halaman sa ulan at hangin
Salamat sa kaibigan at sa kapwa tao ko
Salamat sa inyo
Bawat sandali ng buhay ay ligaya
Bawat hininga ay tunay na biyaya
Bawat pagsisikap ay may gantimpala
Dakilang manlilikha narito po ako
Bunga ng pag-ibig sa palad ng mundo
Puso'y umaawit awiting alay ko
Salamat sa inyo
Amen