Manong Pawikan
Manong manong pawikan
Tahanan ay pasan-pasan
Wala ba kayong mapaglagyan
Sa lupang kinagisnan
Sa hampas ng alon
Sa agos ng daang-taon
Patuloy kayong gumagapang
Yapus-yapos ng putikan
Subalit sa laot
Laya niyo'y natitikman
Lumulutang sumisisid
Sa kailalim-laliman
O manong pawikan
Ako sana'y turuan niyo
Kung ano ang paraan
Na ang mabigat ay gumagaan
Manong manong pawikan
Tayo ba'y magkaangkan
Ako ma'y may tahanan
Subalit walang mapaglagyan
Ang lupang namalayan ko'y
Punung-puno ng bakuran
Na lalong pinatibay
Ng titulo't kasulatan
O manong pawikan
Di ko maintindihan
Ang lupang pinanggalingan ko
Ngayo'y ari-arian
O manong pawikan
Ako sana'y turuan niyo
Kung ano ang paraan
Na ang mabigat ay gumagaan
Ah ah ah