Maglakad [Live]

Tipo bang walang magawa
Tipo bang sawang-sawa ka na sa buhay
Ganyan ang pirmeng nangyayari
Sa laging nakakulong sa bahay
Hindi sapat ang managinip na lang buong araw
'Di sapat ang magkamot na lang ng tiyan
Ang tanging gamot sa kainipan ay
Maglakad maglakad sa lansangan maglakad maglakad
Kay raming makikita maglakad maglakad
Igalaw ang iyong paa
Maglakad sa lansangan
Isuot ang iyong sapatos tsinelas o bakya
Kung ika'y ganahan ay pwedeng magpaa
At maglakad nang dahan-dahan
Huwag kang maghabol
Iyo ang panahon easy lang

Maglakad pagmasdan sari-saring hayop
Mga manok na nagtatawiran (kok kok kok)
Asong nagliligawan (aw arf arf)
Pusang nagpapa-araw (meow)
Naliligong kalabaw
Kambing nagmemerienda (a-a-a mm-mm)
At marami pang iba (okay kayo naman)

Maglakad pagmasdan sari-saring mga tao
Mga lolang nakatabako mga nagkukutuhan sa hagdan (huli ka)
Mag lolong de baston mga batang walang pantalon
Nagkekembutang mga dalaga hmm at marami pang iba

Alam n'yo kahit matanda na ako e mahilig pa din ako maglakad sa Session Road problema lang e hindi na amoy pine tree

Maglakad sa lansangan sariwain ang isipan
Tanggalin ang iyong inip luwagan ang ulong naninikip
Maglakad maglakad sa lansangan
Maglakad maglakad
Kay raming makikita maglakad maglakad
Huwag magmadali
Iyo ang panahon easy lang
Maglakad maglakad maglakad maglakad
Chudididum didududum

Músicas más populares de Joey Ayala

Otros artistas de Neofolk