Butanding

Butanding butanding
Pinakamalaking isda sa mundo nakita ko oh
Sa Bikol sa Donsol ako ay nagpunta

Pagbaba ng bus lumipat sa bangka
Pagdating sa laot sa laot tumalon
At doon kami unang nagkita
Muntik kong maapakan higanteng nagdaan
Malapad pa ang ulo sa bangka
Walong puno ng niyog ang kanyang kabilugan
At ang haba niya ay anim na dipa

Butanding butanding
Pinakamalaking isda sa mundo
Nakita ko
Malaki sa akin
Malaki pa sa iyo
Sana minsa’y makita mo

Sa lawak ng bibig nito ako ay magkakasya
Buti't katas ng dagat lang ang kinakain niya
Maliliit na hayop ang kanyang sinasala
Kaya pala laging nakanganga

Kung ako si butanding ayokong lunukin
Mga goma bubog plastik at lata
Katas mula sa mina at tambak ng panapon
Ayokong lunukin ayokong malason

Butanding butanding
Pinakamalaking isda sa mundo
Nakita ko
Malaki sa akin
Malaki pa sa iyo
Sana minsa’y makita mo
Butanding butanding
Pinakamalaking isda sa mundo
Nakita ko
Malaki sa akin
Malaki pa sa iyo
Sana minsa’y makita mo oh

Paalam butanding
Hanggang sa muling pagtatagpo
Ingat kayo
Paguwi sa amin
Ay ipagmamalaking
Nagkatagpo tayo

Butanding butanding
Pinakamalaking isda sa mundo
Nakita ko
Malaki sa akin
Malaki pa sa iyo
Sana minsa’y makita mo
Butanding butanding
Pinakamalaking isda sa mundo
Nakita ko
Malaki sa akin
Malaki pa sa iyo
Sana minsa’y makita mo

Músicas más populares de Joey Ayala

Otros artistas de Neofolk