Batangbakal
[Verse 1]
Trapik chong, kulong sa kotse
‘Di kumikilos, dalawang oras na
Batangbakal sa aking bintana
Bakal ang pakay, baryang pantinapay
[Verse 2]
Kulay usok, kutis aspalto
Mukhang desperado
Nguni’t wala na akong barya
Berdeng ilaw primera bigla
Abante na chong, iisang dipa
[Refrain]
Ang kapal naman ng trapik na ito
Sana’y tubuan ng pakpak ang kotse ko
Batangbakal tama na
Ubos na’ng aking barya
Ang kapal naman ng trapik na ito
[Instrumental Break]
[Verse 3]
Pulang ilaw pinatay ko ang makina
Bintana’y ibinaba, sila’y nagsilapitan
Mga batangbakal kaya ko kaya
Maging isa sa kanila sa ‘sang kisap ng staplayt
[Verse 4]
Sabi ko "Oh, inyo na ‘to," inabot ko ang susi
Sila’y nagtawanan, at ang susi’y sinauli
Impyerno’ng trapik nguni’t may kaligtasan
Sa ngiti at tawanan ng mga bata
[Refrain]
Ang kapal naman ng trapik na ito
Nguni’t may anghel sa tabi ng kotse ko
Batangbakal halakhak
Pahiram ng ‘yong pakpak
Ang kapal naman ng trapik na ito
[Refrain]
Maglaho nawa ang trapik na ito
At ang lahat ng kahirapan sa mundo
Batangbakal halakhak
Pahiram ng ‘yong pakpak
Ang kapal naman ng trapik na ito woah