Aking buwan

. MAJIKA, ANGELIKA LOIS F. PONCE, KENNETH CLARK F. PONCE

Ako'y pinagpala (pinagpala)
Hindi inakala
Ikaw na buwan at ako na bituin
Ay pinagtagpo sa gitna ng dilim (sa gitna)

Tila tinadhana (tila tinadhana)
Bukal ang ligaya (ligaya)
Ang aking dasal ba ay diringgin
Eto na nga ba ang aking hiling

Araw-araw ay binibilang
Orasan ay aking tinititigan
Hanggang dumating ang aking tanging hinihiling na ika'y
Masilayan pa nang wala ng distansya

Langit langit ang aking nadarama
Sa t'wing ramdam kong andyan ka
Lumulutang ang mga paa
Hanggang kailan mag-aabang
Makapiling ka ng walang hadlang

Kahit panandalian
Ako ay silayan
Kahit yun lang aking tatanggapin
Ang kakarampot aking lulubusin

Dito sa dilim aking dadamhin
Ang pakiramdam ng wala ka sa'kin
Mga bisig aking pag-ibig
Kailan ka ba mapapasa 'kin

Langit langit ang aking nadarama
Sa t'wing ramdam kong andyan ka
Lumulutang ang mga paa
Hanggang kailan mag-aabang
Makapiling ka ng walang hadlang

Langit langit ang aking nadarama
Sa t'wing ramdam kong andyan ka
Lumulutang ang mga paa
Hanggang kailan mag-aabang
Makapiling ka ng walang hadlang

Aking buwan
Sa gitna ng aking buwan
Kapiling na aking buwan
Sa gitna ng aking buwan
Kapiling na aking buwan

Músicas más populares de jikamarie

Otros artistas de Contemporary R&B