Kaya Mo Naman Pala

Jethro Delima

Kaya mo naman, kaya mo naman pala
Bat ngayon mo lang naisipan, nagpasya
Pinangako mo na 'di ka na mawawala
Taliwas naman ang salita sa ginawa
Wag mong sisihin ang aking damdamin
Kung takot at galit ang unang lumabas
Ang sakin ay sana'y lumapit, nagsabi
Na di na kailangang umagos ang luha
Hindi ko akalaing hadlang nalang pala ang
Turing sa pagsambit ng mahal kita
Sana di maulit, sumubok pang ipilit
Kaya mo naman pala
Hindi ka man lang nagbigay ng babala
Lumabas nalang ng 'di sinasadya
Kung umikot ang daluhong pinangangamba
Di ka ba masasaktan at magtataka?
Wag mong sisihin ang aking damdamin
Kung takot at galit ang unang lumabas
Ang sakin ay sana'y lumapit, nagsabi
Nang para ako nama'y nakapaghanda
Hindi ko akalaing hadlang nalang pala ang
Turing sa pagsambit ng mahal kita
Sana hindi maulit, sumubok pang ipilit
Kaya mo naman pala

Curiosidades sobre la música Kaya Mo Naman Pala del Jet

¿Quién compuso la canción “Kaya Mo Naman Pala” de Jet?
La canción “Kaya Mo Naman Pala” de Jet fue compuesta por Jethro Delima.

Músicas más populares de Jet

Otros artistas de Rock'n'roll