Kahit Sandali
Bakit ba hindi ko mapigilan ang
Nadarama ng puso ko
Kahit pa alam kong meron kang iba
Ay di pa rin magbabago and damdamin ko
Kaya kong ialay ang lahat sa iyo
Kahit ako'y di mo gusto
Nais lang na minsa'y makapiling ka
At minsa'y madama na akin
Kahit sandali
Pag-ibig mo sana'y maramdaman man lang
Mayakap ako at mahagkan kahit di mo mahal
Ang pag-ibig ko'y sa'yo lamang
Di ako aasa at maghihintay
Sa pag-ibig ng tulad mo
Tama nang minsa'y makapiling ka
At nadama ang init nang pagmamahal mo (pagmamahal mo)
Kaya kong ialay ang lahat sa iyo
Kahit ako'y di mo gusto (di mo gusto)
Nais lang na minsa'y makapiling ka
At minsa'y madama na akin
Kahit sandali
Pag-ibig mo sana'y maramdaman man lang
Mayakap ako at mahagkan kahit di mo mahal
Ang pag-ibig ko'y sa'yo lamang
Oh
Kahit sandali
Pag-ibig mo sana'y maramdaman man lang
Mayakap ako at mahagkan kahit di mo mahal
Ang pag-ibig ko'y sa'yo lamang
Oh
Sayo lamang