Pasaway

JAY JIMENEZ

Hoy
Pasaway pasaway pasaway (hoy)
Please walang away
Kumaway kumaway kumaway ('yan)
Lahat ng pasaway

Paggising sa umaga mga tao kandarapa sa lansangan
Nagmamadali nagtiyatiyaga naghahanap ng kaginhawaan
Subalit heto ka nakahiga't pikit mata humihilik ka pa
Gumising ka bumangon at maligo na kundi ay magsisisi ka

Huwag kang
Pasaway pasaway pasaway (hoy)
Please walang away
Kumaway kumaway kumaway ('yan)
Lahat ng pasaway

Pasaway pasaway pasaway (hoy)
Please walang away
Sumabay sumayaw sumabay ('yan)
Lahat ng pasaway

Dyaman

Ilang araw umiinom na para bang walang bukas na darating
Wala namang trabaho at wala pang ibang raket may inaasikaso
Hindi mo man kayang tumulong huwag dumagdag paurong bumangon ka
Hindi lahat ng bagay ay nahuhulog sa langit magsikap ka

Huwag kang
Pasaway pasaway pasaway (hoy)
Please walang away
Kumaway kumaway kumaway ('yan)
Lahat ng pasaway

Pasaway pasaway pasaway (hoy)
Please walang away
Sumabay sumayaw sumabay ('yan)
Lahat ng pasaway

Matuto kang gumalang sa mga tao sa'yong paligid
Gumagabi na nga 'wag ka nang paligid-ligid
Ang iingay niyo pa at sadyang nakakaperwisyo
Bakit hindi na lang sa barangay magserbisyo

Hindi mo na natutulungan ang iyong nanay (nanay)
Sumasama ka pa sa mga bisyo ng 'yong tatay (tatay)
'Wag nang maghintay na ikaw ay makaratay
Gumawa ng matino para ka umangat sa buhay

Eh bakit ba ang kilay mo ay nakataas
Hindi mo ba matanggap na ika'y isang ungas
Madali lang naman kung nais mong ika'y purihin
Ang nais mong gawin sa'yo ang sa iba'y gawin

Bahala ka kung ayaw mo akong paniwalaan
Kapag huli na ang lahat makakaranasan
Ang pumasok sa iyong isip ako'y pagtripan mo pa
Lumaban ka ng parehas ang kapal ng 'yong mukha

Pasaway pasaway pasaway (hoy)
Please walang away
Kumaway kumaway kumaway ('yan)
Lahat ng pasaway

Pasaway pasaway pasaway (hoy)
Please walang away
Sumabay sumayaw sumabay ('yan)
Lahat ng pasaway (hoy)

Lahat ng pasaway (hoy)
Lahat ng pasaway (hoy)
'Wag ng pasaway ('yan)

Músicas más populares de Jbrothers

Otros artistas de Alternative rock