Seryoso

Sa lahat ng biglaang aking naranasan
Ito ang hinding-hindi ko pinagsisihan
Na mahulog agad sayo

Alam kong tayo’y para sa isat-isa
Sa akin ikaw ay regalo nya
Sayo ako’y biyaya nya upang tayo’y lumigaya
Sa habang-buhay tuluyang makalaya
Sa sakit ng nakaraan
Mahal kita

Kaya ikaw ang nais kong makapiling
Sa araw-araw kahit buhay ay simple
Basta’t pareho tayong magtulungan
May mga panahong mag-aaway tayo
Pero please lang ‘wag kang aayaw
Please ‘wag kang bibitaw
Pangako sayo sulit na ipaglaban natin ‘to
Ako’y seryoso sayo
Sigurado akong hindi ako naglalaro
Tunay ang pag-ibig ko

Ang mahulog sayo’s ang pinaka-magandang nangyari sa akin
Nang dahil sayo nawala ang takot na muling magmahal

Alam kong tayo’y para sa isat-isa
Sa akin ikaw ay regalo nya
Sayo ako’y biyaya nya upang tayo’y lumigaya
Sa habang-buhay tuluyang makalaya
Sa sakit ng nakaraan
Mahal kita

Kaya ikaw ang nais kong makapiling
Sa araw-araw kahit buhay ay simple
Basta’t pareho tayong magtulungan
May mga panahong mag-aaway tayo
Pero please lang ‘wag kang aayaw
Please ‘wag kang bibitaw
Pangako sayo sulit na ipaglaban natin ‘to
Ako’y seryoso sayo
Sigurado akong hindi ako naglalaro

Nais kong ipagsigawan sa buong mundo
Tunay ang pag-ibig ko

Kaya ikaw ang nais kong makapiling
Sa araw-araw kahit buhay ay simple (makapiling)
Basta’t pareho tayong magtulungan
May mga panahong mag-aaway tayo
Pero please lang ‘wag kang aayaw
‘Wag kang bibitaw
Pangako sayo sulit na ipaglaban natin ‘to
Ako’y seryoso sayo
Sigurado akong hindi ako naglalaro

Tunay ang pag-ibig ko (oh)

Músicas más populares de Jay R

Otros artistas de Contemporary R&B