Kung Mamahalin Mo Lang Ako

Janno Gibbs

Lagi kitang tinatanaw
Lahat ng kilos at galaw
Aking sinusubaybayan binabantayan
Araw-gabi ako'y saksi
Sa bawat luha at hapdi
Hirap ng iyong dinadala ay nadarama
Kung nalalaman mo lamang
Na ako'y nag-aabang
Ng pag-ibig mo

Kung mamahalin mo lang ako langit ang ibibigay sa 'yo
'Di ka na kailan muling luluha pa pangako ko sa 'yo
Kung mamahalin mo lang ako hindi ka na mangangamba
Sa puso ko ika'y nag-iisa
Kung mamahalin mo lang ako

Lagi akong nakatingin
Naghihintay na mapansin
Kahit isang sulyap man lang ay tatanggapin
Hanggang kailan magdurusa
Makita ka sa piling niya
Hanggang kailan pagmamasdan ika'y masaktan
Sana ay nalalaman mo
Na may nagmamahal sa 'yo
Heto lang ako

Kung mamahalin mo lang ako langit ang ibibigay sa 'yo
'Di ka na kailan muling luluha pa pangako ko sa 'yo
Kung mamahalin mo lang ako hindi ka na mangangamba
Sa puso ko ika'y nag-iisa
Kung mamahalin mo lang ako

Oh

Oh yeah

Curiosidades sobre la música Kung Mamahalin Mo Lang Ako del Janno Gibbs

¿En qué álbumes fue lanzada la canción “Kung Mamahalin Mo Lang Ako” por Janno Gibbs?
Janno Gibbs lanzó la canción en los álbumes “Seven” en 2004 y “The Janno Gibbs Anthology” en 2010.

Músicas más populares de Janno Gibbs

Otros artistas de Contemporary R&B