Bulong Sa Isipan
Gerard Ervin Baldo
Bulong sa isipan
Bulong sa isipan
Iyong pakinggan
Kadiliman ay buksan
At ito ay pagbigyan
Di mo malinawan
Kung ano ang dahilan
Sa mga kaguluhan
At kababalaghan
Anino'y dadaan
Ito'y iyong sundan
Mula sa kawalan
At buong sanlibutan
Sumpa ng dilim
Ito ay tanggapin
Lahat ng iyong hingin
Ito ay didinggin
Sa di malamang dahilan
Ito ay mararamdaman
Pupukaw sa katahimikan
Ang sigaw ng kamalayan
Pangsariling kasalanan
Lalasunin ang isipan
Palaguin ang binhi
Ng kasamaan
Magtiwala
Ipaubaya
Sumampalataya
Sa dilim