Mahal Kita

Jose Gabriel Flores

Oh kay tagal ko nang nahumaling sa iyo
Pag sinabi kong mahal kita hindi to pabiro
Pasensya na kung minsan ako'y hindi matino
Pero panigurado sakin ay di ka mabibigo
Oh, wag kang malito, ikaw lang ang mahal
Relasyon ko na nakuha kahit di pinagdasal
Lagi kang nasa isip kada oras o minuto
Sana'y magustuhan mo tong kantang aking niluto
Kahit sobrang simple lang taimtim ko tong sinukat
Kada berso kada letra madiin ko tong sinulat
Di ako magsasawa na sulatan ka palagi
Salamat at sa buhay ko ika'y naging bahagi
Pag kapiling ka'y parang nasa ibang dimensyon
Sa buhay ikaw ko ang nagturo ng mga direksyon
Ginising mo ang isip ko sa mahimbing na pagkatulog
Malalim pagtingin kaya malalim din nahulog

Mahal kita agad nung una kitang na nasilayan
Tanggap mo agad kahit di ka niligawan
Ako ay pinapasok kahit di inimbita
Handa ko habang buhay na pagsilbihan kita

Pumayag ka kahit ikaw ay aking inaraw-araw
Lang pake sa mga sabi-sabi, pagmamahal nangibabaw
Pananamit man natin ay madalas na masita
Di ko babaguhin ang sarili para sa paningin ng iba
Kapit ay mahigpit kahit mga tutol lumaganap
Sabi mo pa nga ikaw tutupad saking pangarap
Ikaw ang unang papalakpak pagsampa ko ng entablado
Sulong kamo lagi kahit hinaharap di sigurado
At pag ako'y kabado ikaw ang nagtatanggal
Ng daga saking dibdib kapag ako'y magtatanghal
Bitbit ko ang ngalan mo sumakit man ang balikat
Nung tamaan ako sa iyo di ko na inisip na umilag
Nung mahalin kita wala akong pinagsisihan
Ikaw nagsilbi na reyna't puso ko pinagharian
Aking pangarap di mo hinayaang magiba
Di mo pinaramdam sakin na ako ay mag-isa
Bagkus pinaramdam saaking kaya ko nang mag-isa
Dama kapwa respeto kaya alam kong mahal kita, Hiphop

Mahal kita agad nung una kitang na nasilayan
Tanggap mo agad kahit di ka niligawan
Ako ay pinapasok kahit di inimbita
Handa ko habang buhay na pagsilbihan kita

Hiphop, Hiphop mahal kita
Hiphop, Hiphop mahal kita
Hiphop, Hiphop mahal kita
Hiphop, Hiphop mahal kita

Mahal kita agad nung una kitang na nasilayan
Tanggap mo agad kahit di ka niligawan
Ako ay pinapasok kahit di inimbita
Handa ko habang buhay na pagsilbihan kita

Mahal kita agad nung una kitang na nasilayan
Tanggap mo agad kahit di ka niligawan
Ako ay pinapasok kahit di inimbita
Handa ko habang buhay na pagsilbihan kita

HIPHOP

Curiosidades sobre la música Mahal Kita del J Rose

¿Quién compuso la canción “Mahal Kita” de J Rose?
La canción “Mahal Kita” de J Rose fue compuesta por Jose Gabriel Flores.

Músicas más populares de J Rose

Otros artistas de Asiatic music