Buwan

Tatlong huwebes na ang dumaan
'Di pa rin nasasakyan na wala ka na
Iniwanan na ng panahon 'di pa rin makaahon swimming sa luha

Ginagawa kahit ano matapos lang ang gabing ito
Bakit ang bagal ng relo

Naninikip ang tiyan nakatingin sa buwan
Malayo ka't wala nang magawa
Hanap ang 'yong kamay wala 'kong kaakbay
Nasan ka na kaya
Parang kahapon lang tayo ay magkayakap sa ilalim ng buwan
Ilalim ng buwan

Ilang beses kung aking tignan
Maganda mong larawan bago humiga
Umaasa sa panaginip kahit na isang idlip na makita ka

Hindi pa rin mapakali di maamoy ang yong pisngi
Kahit na konting sandali

Naninikip ang tiyan nakatingin sa buwan
Malayo ka't wala nang magawa
Hanap ang 'yong kamay wala 'kong kaakbay
Nasan ka na kaya
Parang kahapon lang tayo ay magkayakap sa ilalim ng buwan (ha)
Ilalim ng buwan (ha)
Ilalim ng buwan

'Pag nag iisa iniisip kita
Babalik ka ba nasa'n ka kaya
'Wag magluluha 'wag mag-alala
Nandito lang ako naghihintay sa 'yo
Sa ilalim ng buwan
Ilalim ng buwan

Naninikip ang tiyan nakatingin sa buwan
Malayo ka't wala nang magawa
Hanap ang 'yong kamay wala 'kong kaakbay
Nasan ka na kaya
Parang kahapon lang tayo ay magkayakap sa ilalim ng buwan (ha)
Ilalim ng buwan (ha)
Ilalim ng buwan
Ilalim ng buwan
Ilalim ng buwan
Ilalim ng buwan

Curiosidades sobre la música Buwan del Itchyworms

¿Cuándo fue lanzada la canción “Buwan” por Itchyworms?
La canción Buwan fue lanzada en 2005, en el álbum “Noon Time Show”.

Músicas más populares de Itchyworms

Otros artistas de Pop rock