Awit Ng Barkada [Acoustic]
Nakasimangot ka na lang palagi
Parang ikaw lang ang nagmamay-ari ng lahat ng sama ng loob
Pagmumukha mo ay hindi maipinta
Nakalimutan mo na bang tumawa
Eh sumasayad na ang nguso mo sa lupa
Kahit sino pa man ang may kagagawan ng iyong pagkabigo
Ay isipin na lang na ang buhay kung minsan ay nagbibiro
Nandirito kami ang barkada mong tunay aawit sa iyo
Sa lungkot at ligaya hirap at ginhawa kami'y kasama mo
Kung sa pag-ibig may pinag-awayan
Kung salapi ay huwag nang pag-usapan tayo'y 'di nagbibilangan
Kung ang problema mo'y nagkatambakan
At mga utang 'di na mabayaran
Lahat ng bagay ay nadadaan sa usapan
Kahit sino pa man ang may kagagawan ng iyong pagkabigo
Ay isipin na lang na ang buhay kung minsan ay nagbibiro
Nandidito kami ang barkada mong tunay aawit sa iyo
Sa lungkot at ligaya hirap at ginhawa kami'y kasama mo
Kung hahanapin ang kaligayahan
Maging malalim o may kababawan sa' yo ay may nakalaan
Kami'y asahan at wag kalimutan
Maging ito ay madalas o minsan
'Pagkat iba na nga ang may pinagsamahan
Kahit sino pa man ang may kagagawan ng iyong pagkabigo
Ay isipin na lang na ang buhay kung minsan ay nagbibiro
Nandidito kami ang barkada mong tunay aawit sa iyo
Sa lungkot at ligaya hirap at ginhawa
Sa lungkot at ligaya hirap at ginhawa kami'y kasama mo (kasama mo)
Kasama mo (kasama mo)
Kasama mo (kasama mo kasama mo)
Kasama mo
Kasama mo (kasama mo)
Kasama mo (kasama mo)
Kasama mo