Relapse

Francisco Guerrero

Relapse - I Belong to the Zoo

ito na ang unang araw na tanggap ko nang wala ka na
halos ilang taon na rin kasing lutang, nakatanga
hindi man tiyak kung saan patungo, sige lang, bahala na
basta't maglalasing ako ngayong walang aapila

oh ayos lang naman palang mag-isa

pero bakit iniisip pa rin kita
pero bakit iniisip pa rin kita
pero bakit iniisip pa rin kita
pero bakit iniisip pa rin kita

hindi na kailangang magpaalam kung may lakad mamaya
sa bawat ""o ano, tara?"", ang sagot ""papunta na.""
'wag ka na sanang magpahiwatig kung ako'y nalimutan na
pero kung may babalik pa, yung mga gamit ko lang sana

oh ayos lang naman palang mag-isa

pero bakit iniisip pa rin kita
pero bakit iniisip pa rin kita
pero bakit iniisip pa rin kita
pero bakit iniisip pa rin kita

ngunit sa bawat puntahan
mapa-bundok o karagatan
mali ba kung umasa pang ikaw ay nariyan
at kung may konti pang pagmamahal
mula sa dating karanasan
hanapin ko man mas mabuti na lang na 'wag nang ipaalam

'wag nang ipaalam
'wag nang ipaalam

oh ayos lang naman pala

pero bakit iniisip pa rin kita
pero bakit iniisip pa rin kita

pero bakit iniisip pa rin kita
(hindi ko rin alam, bakit maya't maya, ika'y sasagi sa aking isipan)
pero bakit iniisip pa rin kita
(hindi ko rin alam, bakit maya't maya, ika'y sasagi sa aking isipan)

pero bakit iniisip pa rin kita

Músicas más populares de I Belong To The Zoo

Otros artistas de Asiatic music