O Kay Sarap Magbakasyon

Danny Javier, Jim Paredes

O kay sarap sana na magbakasyon
Mainit buong maghapon
Walang magawa ako'y tulala
Mukha'y namumutla

Iwasan mo na ang lahat ng lumbay
Bigyan ng saya ang buhay
Marami ka pang maaring gawin
Mundo'y magigising

Halika na't magsama-sama
Tawagin mo na ang lahat ng barkada
Sa bukid sa dagat o kahit saan
Iwanan ang lahat at magkatuwaan (iwanan ang lahat at magkatuwaan)

Barya at damit lamang ang siyang baon
Mayaman ka sa panahon
Kantahan inuman pati lambingan
Sayo nakalaan

Ang dagat ay naghihintay
Asin at hangin ang taglay
Sa araw at alon kayo maghapon
Halina't mag-bakasyon (mag-bakasyon)
Ah

Halika na't magsama-sama
Tawagin mo na ang lahat ng barkada
Sa bukid sa dagat o kahit saan
Iwanan ang lahat at magkatuwaan (iwanan ang lahat at magkatuwaan)

Halika na't magsama-sama
Tawagin mo na ang lahat ng barkada
Sa bukid sa dagat o kahit saan
Iwanan ang lahat at magkatuwaan oh(iwanan ang lahat at magkatuwaan)

Halika na't magsama-sama
Tawagin mo na ang lahat ng barkada
Sa bukid sa dagat o kahit saan
Iwanan ang lahat at magkatuwaan

Músicas más populares de Hajji Alejandro

Otros artistas de Pinoy pop