Tambayan
May bagong gawang upuan
Ang aking mga bagong kaibigan
Dito namin itatayo ang aming nabuong samahang
Di mabubuwag pagkat inukit sa kahoy ang sumpaan
Paw man o jacskon ang dumaan kami ay sakay lang ha hahan
Isang araw nagmamadaling umuwi buhat sa eskwelahan
Malayo palang sa upuan ay may natanawan
Nagulat ako kasi first time kita noong masilayan
Nag-iisang nakaupo sa aming tambayan ha hahan
Agad akong lumapit sayo at nagtanong kung bakit
'Kay nag-iisa at ba't mukang malungkot ka
Ipagpaumanhin mo kasi ay dilekado na sa
Isang cutepie na katulad mong abutin ng gabi sa kanto
Baka ka makanto
Kaya sinamahan kita
At ininterteyn kita
Tagal nating nag-usap diba ngiti mo pa nga'y hanggang tenga ha
Sa upuang maganda
At di namalayang gumagabi na
Bigla ka nalang nataranta
Nang may sumigaw sa kalsada
At mayroong pamalong dala
At galit na galit pa
Tatay mo pala la la la la la
Sa may tambayan dito ang ating tagpuan
Sa may tambayan dito nagkaintindihan
Sa may tambayan dito nagkakilala
Sa may tambayan dito madalas magkwentuhan
Isang taon ang nagdaan sikat na agad ang tambayan
Marami nang bagong mukha
Marami nang mukang bida
Marami nang bagong salta
Yung iba'y magsyota na
Kanya kanya na nagsiraan
Nang dahil lang sa ligawan
Kanya kanya kanya kanya na nauwi sa wala
Ang upuang maganda
At di namalayang sumpaa'y watak na
Ako na lang ang natira
Nang may sumigaw sa kalsada
At papaluin ko sana
Nagulat ako (wah)
Mahal ikaw pala la la la la la
Sa may tambayan dito ang ating tagpuan
Sa may tambayan dito nagkaintindihan
Sa may tambayan dito nagkakilala
Sa may tambayan dito madalas magkwentuhan
Sa may tambayan hahahan
Sa may tambayan hahahan
Sa may tambayan hahahan