Tinta

Gloc-9

Pwedeng asul pwedeng itim pwedeng pula pwedeng iba
Ang mahalaga'y kung ano ang maiintindihan nila
Sila na siyang makikinig at kakabisado ng kanta
Ngayon sabihin mo sa akin pa'no mo ginamit ang tinta ah

Nagsimula ang lahat nang aking mahawakan
Ang papel at panulat habang ako'y tinuturuan ni nanay
Habang siya'y naglalaba ng damit sa poso
Paulit-ulit isinusulat at dapat diretso
Ang mga letra na parang petsa sa kalendaryo
Magbasa ng aklat kung minsan nama'y komiks at diyaryo
Nang sa gayo'y mapalawak ang aking bokabularyo
At hindi imbento na parang gamot ng albularyo

Nag-aral isa dalawa tatlong baitang sa elementarya
Natapos sa ika-anim ngunit walang medalyang nakasabit sa 'king leeg
Nang hindi sampagitang dala-dala ni tatay
Pagkatapos niyang mamasada
Lumipas ang mga taon sinubukang lumikha
Mga salitang magkatugma na ang tawag ay tula
Ngunit may nagsabi sa akin ris pag-naroon ka na
Sabihin mo sa akin kung pa'no mo ginamit ang tinta

Pwedeng asul pwedeng itim pwedeng pula pwedeng iba
Ang mahalaga'y kung ano ang maiintindihan nila
Sila na siyang makikinig at kakabisado ng kanta
Ngayon sabihin mo sa akin pa'no mo ginamit ang tinta

Paggising mo sa umaga maliligo ka sa banyo
Papasok ka sa eskuwela manghihingi ka ng baon
Kung titingna'y wala kang pinagkaiba sa lahat
Ngunit sa iyong isipan ay may nabubuong alamat
Ng isang makatang laging titingalain ng lahat
Mga awit na ikaw lang ang may alam ng pamagat
Na balang araw ay sasambitin awit mo'y kakantahin
Ng lahat ng batang tulad mo na may pangarap rin

Ngunit ngayo'y nagsisimula ka pa lang
'Di mo hahayaang pigilan ang iyong bawat hakbang
Kahit na ito'y mabagal na parang nakasaklay
Ang mga pangarap mo ang siyang sandata mong taglay
Walang makakapigil kahit minsan ay parang
Wala ka nang maayos na lupang pwedeng lakaran
Ngunit pagdating ng araw at naro'n ka na
Sabihin mo sa akin kung pa'no mo ginamit ang tinta

Pwedeng asul pwedeng itim pwedeng pula pwedeng iba
Ang mahalaga'y kung ano ang maiintindihan nila
Sila na siyang makikinig at kakabisado ng kanta
Ngayon sabihin mo sa akin pa'no mo ginamit ang tinta ah

Curiosidades sobre la música Tinta del Gloc-9

¿Cuándo fue lanzada la canción “Tinta” por Gloc-9?
La canción Tinta fue lanzada en 2009, en el álbum “Matrikula”.

Músicas más populares de Gloc-9

Otros artistas de Film score