Sa Duyan ng Bayan

Krina Cayabyab, Aristotle Pollisco

Papaano mo ba malalaman
Kung ang katuwiran ng 'yong hangarin
Ay ang wasto at tapat
Hanapin mo sa pag-aninaw

Papaano mo nga ba mahaharap
Ang pangyayaring maaaring
Magbigay-pahamak
Hindi mo kaya nang mag-isa

Hahayaan mo bang tumuloy-tuloy
Ang paulit-ulit na pasisiil
Oras na para alintanahin

Baka nama'y iba ang 'yong karanasan
Ngunit nandito ka at kapwa nitong bayan
Makisama at pagnilay-nilayan
Balikan ang dapat tandaan

Ang 'yong paniniwala't paninindigan (sindihan)
Kasama natin ang Diyos sa bayanihan (sindihan)
Mo ang pananampalataya (sindihan)
Ikaw ang liwanag sa duyan ng bayan

Papaanong iwasang malunod
Ang mga kuwentong umaawit ng totoo
Humakbang para sa katarungan

Pilit ba nating takpan ang mga tainga
Sa mga boses na dumaraing at nawawala
Alalayan mo ng pag-asa

Hindi ba natin nararamdaman
Ang halo-halong pulso ng nakararami
Oras na para alintanahin

Baka nama'y iba ang ating karanasan
Ngunit nandito tayo't kapwa nitong bayan
Makisama at pagnilay-nilayan
Balikan ang dapat tandaan

Ang 'yong paniniwala't paninindigan (sindihan)
Kasama natin ang Diyos sa bayanihan (sindihan)
Mo ang pananampalataya (sindihan)
Ikaw ang liwanag sa duyan ng bayan

Ga'no kalalim ang kaya mong lusungin
Ga'no kainit ang kaya mong magpadarang
Mapanganib ay lulusungin
Pwede mo bang akuin kahit walang makaalam
Alang-alang sa paniniwala
Kung sa'n mo nakuha ang tunay na pagmamahal
Malasahan man natin ang luha't hindi man humupa
Maghintay man nang matagal

Diligan ang mga tuyong
Damdamin at pusong bumubulong
Kahit na uhaw na uhaw ka na
Kaya mo pa rin ba na hindi uminom
Latayan ng 'yong balat tinig ay 'di mamamalat
Walang sumisigaw
Hawak ang pangako na binitawan
Inilawan gamitin mo na tanglaw

'Pag nasa dilim at dumidiin
Ng paninikil 'di bibiguin
Dahil mas malalim ang ugat ng aming pag-ibig
Kahit buhay ma'y kitilin
Bawat patak ng dugo pagkataong bumubuo
Manakaw ay hindi
Mananatiling buo para sa bayan
'Di yuyuko wangis ma'y ikubli

Pero ga'no kalalim ang kaya mong lusungin
Ga'no kainit ang kaya mong magpadarang
Kay dali nga namang sumuway
Kay dali nga naman na manisi
Manguna na tayo't ilabas ang tanglaw
'Wag kalimutan ang dapat tandaan

Ang 'yong paniniwala't paninindigan (sindihan)
Kasama natin ang Diyos sa bayanihan (sindihan)
Mo ang pananampalataya (sindihan)
Ikaw ang liwanag (ikaw ang liwanag)
Sa duyan (sa duyan)
Sa duyan ng bayan

Curiosidades sobre la música Sa Duyan ng Bayan del Gloc-9

¿Quién compuso la canción “Sa Duyan ng Bayan” de Gloc-9?
La canción “Sa Duyan ng Bayan” de Gloc-9 fue compuesta por Krina Cayabyab, Aristotle Pollisco.

Músicas más populares de Gloc-9

Otros artistas de Film score