Kwentong Barbero
Kwentong Barbero GLOC-9 feat. Ramdiss
Hook:
Anong gusto mong gupit
Yun bang uso’t malupit
Anong Gusto mong Gupit
Di ka nagkamali
sa pinuntahan ulit..
Di ka nagkamali
sa pinuntahan ulit..
I
Dumaan ako sa barbero
sa may kanto
Para magpagulit
Kasi meron akong date
Binilisan kong maligo
Hindi ito biro
Sumabit na agad sa jeep
Para hindi ako malate
May dala pako na
di mo masabi
May mga babaeng
Gusto nila palagi may bigay ka
Pag ikaw naman ang
may kailangan
Madalang malaman
Hanggang mamatay ka mag hintay ka
Binilisang dumating sa pinag usapan namin
Sa may crossing sa tapat ng shangrila
Hindi ako maka tingin kasi medyo madilim
Nakatayo sa malayo
May anino pa tapos
Dahan dahan na lumapit
Mahigpit na kumapit saan daw kami pupunta
Teka bakit may ganon pa
Ako lamang ata ang talo kung may pusta
**
Naalala ko tuloy bago ako gupitan
Ni mamang barbero
Isang payo ang pinahiram
Hindi mo pahahalagahan
Ang mga bagay
Na nakuha mo lamang ng
Ganon lamang kadali
Papasalubungan ng ngiti
Mas masarap ang lasa ng pangarap kung itoy hati hati
II
paulit ulit ako na babalik
dahil nakakapanabik na madinig
ang kwentong isinalin mo
sa musika
simula palang nung una ay alam ko na
gusto kona din gawin ang mga nadidinig sayo
nakapikit nakangiti habang nakikinig ako
kinikilig patong nabibilib sayo
nasa silid na madilim nag iisa nababato
habang kinakabisa ko ang mga bagong kanta mo
nasa harap ng salamin nakatayo
pinapakalma ko ang balahibo kong tumatayo
sa kilabot, hindi naman nakakatakot
pero ako'y binabalot ng pag kahumaling
lalo kapag lumalim ang salitang sinasalin
mo sa papel at pasaring mga dala mong pasanin
parang laging para sakin
pag ikaw ang nag hahain
lagi akong kumain
kahit gutom sa pagkain
busog nako pangarapin
balang araw ay palaring
magtagpo ang daan natin
naalala ko tuloy pag katapos gupitan
ni mamang barbero sabi nya lagi mong
galingan
dahil pagkatapos ng lahat to ay makakalimutan din naman nila tayong lahat
hindi ako papayag na digang barbero
lang yung sakin pag sara mo ng aklat
makikitang pamagat
ay alamat
III
mga di mo akalain
Pwede palang pangarapin
At syang mapapasa amin
Wag mo nang hanapin
Kasi sayo manggagaling
Kung meron man o wala rin
Lagi mo lang tandaan
Ang Paraan ay ganto lang
Kung alam mo kung paano
Ilang beses ka mang kapkapan
O hakbangan ay huwag ka dyan basta basta mag patalo
***
masyado ng maraming
inindang sakit
para maispan ko pa na ipagpalit
ang mga hangarin na pilit pinag kait
pero patuloy ko parin na inilalapit
ang aking sarili
kahit na minsan ayaw ng manatili
akoy kinakalabit mga tulang dekalibre
bago ka maging kambing kailangan muna maging bwitre sa pag kakaton dapat kagat ay mala tigre
**
Dahil ang buhay ay para ka lang nag punta sa barbero at nagpa gupit
Mga masamang nangyariy kalimutan at di mo na babalikan pa ulit
Talupan ang naka dikit
Nasabi ko na to sayo kaya naman dapat alam mo na
ito ba’y kataka taka bang mga
bagay bakit kasi nga ay nagagawa na ito ng iba
***
Naalala ko tuloy bago ako gupitan
Ni mamang barbero
Isang payo ang pinahiram
Hindi mo pahahalagahan
Ang mga bagay
Na nakuha mo lamang ng
Ganon lamang kadali
Papasalubungan ng ngiti
Mas masarap ang lasa ng pangarap kung itoy hati hati..
Hook:
Anong gusto mong gupit
Yun bang uso’t malupit
Anong Gusto mong Gupit
Di ka nagkamali
sa pinuntahan ulit..
Di ka nagkamali
sa pinuntahan ulit..