Elmer

Gloc-9

Ito ay bayan ni Juan
Hindi bayan ni run
Dumating pa sa puntong
Ang braso ay may bayanihan
Bago magkalimutan
Wag magsapilitan
Walang papalitan
Hindi 'to katatawanan

Wag kang maniniwala sa paligid mo (hindi lahat ay totoo)
Mga naririnig at nakikita mo (isa-isang isipin 'to)
Piliin mo ang iniidolo (mga ginagawa't binibigkas)
Dahil pag-usad ay hindi ganun kadulas
Kung ika'y makata sa pinas

Kamusta ka na idol
Ako nga pala si Elmer
Ikaw ang aking idol
Ang idol ko na rapper

Mula nang marinig ko
Ang kanta mong simpleng tao
Ako ay nabaliw nung
Nilabas mo pa yung lando
May bago ka bang album
Penge naman ng kopya
Meron ako nung luma
Ang kaso nga lang pirata
Sumusulat din ako
Marunong din akong mag rap
Gusto mo ipadinig ko sa'yo
Wag kang kukurap
Di lang ikaw ang idol ko
Pati rin yung stickfiggas
Bihira lang kasi
Sa pilipinas ang matikas
Mabilis kang magsalita
Pero gangsta ka ba
Meron ka na bang baril
Nakulong ka na ba
Ako rin hindi pa
Pero bukas baka sakali
May gang doon sa amin
Susubukan kong sumali

Basta tandaan mo lang
Ang pangalan ko ay Elmer
Ikaw ang aking idol
Ang idol ko na rapper

Wag kang maniniwala sa paligid mo (hindi lahat ay totoo)
Mga naririnig at nakikita mo (isa-isang isipin 'to)
Piliin mo ang iniidolo (mga ginagawa't binibigkas)
Dahil pag-usad ay hindi ganun kadulas
Kung ika'y makata sa pinas

Gloc9 anong balita narito ka rin pala
Buti napadaan ka
Magpapatatoo ka ba
Nakita mo ba 'to
Ang mga bago kong tatoo
Mas maangas daw ang rapper
Pag marami kang tattoo
At makabayan ang dating
Isa pa cool ka
Nagpalagay ako ng watawat
May flag pole pa
Kasi sasali ako sa pa audition ng isang rapper
At maging isang artist
Sa kanyang bagong record label
Ilan ba ang natanggap
Siguro mga singkwenta
Binigyan kami ng ticket
Para daw aming ibenta
Medyo malabo ang sabi n'ya
May album pa
Eh bakit hindi n'ya malabas
Ang album n'ya
Ah baka naman busy lang
Kaya pare easy lang
Kasi mga mayabang lang
Ang mahilig magbilang

Pero sana maalala mo
Ang pangalan ko'y Elmer
Ikaw ang aking idol
Ang idol ko na rapper

Wag kang maniniwala sa paligid mo (hindi lahat ay totoo)
Mga naririnig at nakikita mo (isa-isang isipin 'to)
Piliin mo ang iniidolo (mga ginagawa't binibigkas)
Dahil pag-usad ay hindi ganun kadulas
Kung ika'y makata sa pinas

Ito ay bayan ni Juan
Hindi bayan ni run
Dumating pa sa puntong
Ang braso ay may bayanihan
Bago magkalimutan
Wag magsapilitan
Walang papalitan
Hindi 'to katatawanan

Curiosidades sobre la música Elmer del Gloc-9

¿Cuándo fue lanzada la canción “Elmer” por Gloc-9?
La canción Elmer fue lanzada en 2011, en el álbum “Talumpati”.

Músicas más populares de Gloc-9

Otros artistas de Film score