Wag Mo Sanang Isipin

Ano pa kaya ang dapat gawin ng isang katulad ko
Upang paniwalaan at intindihin mo
Ang mga nais sabihin ng puso ko
Bigyan mo ako ng pagkakataon
Paliwanagan ang iyong isip

Kahit'sandali lang patutunayan ko lang
Na mahal kita hanggang ngayon

Oh ang babae nakakatuwa
Maliit na bagay lamang pinalalaki pa
Ba't ayaw mong limutin ang nakaraan
'Di mo na ako pinapansin 'di na rin minamasdan

Wag mo na sanang isipin ang mga nangyari sa atin noon
Kahit ano pang sabihin mo maibabalik pa kahit ang kahapon oh

Sana naman hanggang dito na lang
Ang paghihirap kong ito
Dapat pa bang daanin sa galit o tampuhan
Dadami pang problemang 'di kailangan
Kailan pa ba o 'di na ba
Tayo magkakasunduan

Kahit sandali lang patutunayan ko lang
Na minamahal mo pa ako

Oh ang babae nakakaaliw
Kahit sobra siyang pakipot siya'y nakakabaliw
Ba't ayaw mong limutin ang nakaraan
'Di mo na ako pinapansin 'di na rin minamasdan

Wag mo na sanang isipin ang mga nangyari sa atin noon
Kahit ano pang sabihin mo maibabalik pa natin ang kahapon

Wag mo na sanang (wag mo na sanang isipin)
Wag mo na sanang isipin (wag mo na sanang isipin)
Wag mo na sanang (wag mo na sanang isipin)
Wag mo na sanang isipin (wag mo na sanang isipin)
'Di mo na ako pinapansin 'di na rin minamasdan

Wag mo na sanang ang mga nangyari sa atin noon
Kahit ano pang sabihin mo maibabalik pa kahit ang kahapon oh

Wag mo na sanang (wag mo na sanang isipin)
Wag mo na sanang isipin (wag mo na sanang isipin)
Wag mo na sanang (wag mo na sanang isipin)
Wag mo na sanang isipin oh

Wag mo na sanang (wag mo na sanang isipin)
Wag mo na sanang isipin (wag mo na sanang isipin)
Wag mo na sanang (wag mo na sanang isipin)

Músicas más populares de Gary Valenciano

Otros artistas de Religious