Paano Mahalin Ang Katulad Mo

Di ko maikakaila ang pag-aalala
Na sa tuwi-tuwina'y dala-dala
Nangangamba nangangamba
Na baka mapahamak ka

Dapat sarilinin ko na lang
Kayrami-rami mong pasan-pasan
Baka lalo ka pang mabibigatan

Itatago ko ang aking kaba
At ikukubli ang pangangamba
Ngunit sa dilim
Ay napapansin mo ang takot ko

Ang dinadaing ko'y para sa iyo
Ang unti-unting matutunan ko
Paano mahalin
Paano mahalin ang katulad mo

Di ko maikakaila ang pag-aalala
Ngunit di ba mas mahalaga
Ang dinggin ka intindihin ka
Samahan ka sa bawat pasya

Paano ba ako makakagaang
Paano ba ako makakatuwang
Paano kung ako ay nasasaktan

Itatago ko ang aking kaba
At ikukubli ang pangangamba
Ngunit sa dilim
Ay napapansin mo ang takot ko

Ang dinadaing ko'y para sa iyo (paano ba ako makakagaang)
Ang unti-unting matutunan ko (paano ba ako makakatuwang)
Paano mahalin
Paano mahalin ang katulad mo

Paano mahalin
Paano mahalin ang katulad mo

Curiosidades sobre la música Paano Mahalin Ang Katulad Mo del Gary Granada

¿En qué álbumes fue lanzada la canción “Paano Mahalin Ang Katulad Mo” por Gary Granada?
Gary Granada lanzó la canción en los álbumes “Lean, A Filipino Musical” en 1997 y “The Essential Gary Granada Collection” en 2014.

Músicas más populares de Gary Granada

Otros artistas de