Estudyante Blues

Freddie Aguilar

Ako ang nakikita ako ang nasisisi
Ako ang laging may kasalanan
Pag gising sa umaga sermon ang almusal
Bago pumasok sa eskuwela

Kapag nangangat'wiran ako'y pagagalitan
'Di ko alam ang gagawin
Ako'y sunod-sunuran ayaw man lang pakinggan
Nasasaktan ang damdamin ako'y walang kalayaan
Sunod sa utos lamang

Paggaling sa eskuwela deretso na ng bahay
Wala naman akong aabutan
Wala doon si Nanay wala doon si Tatay
Katulong ang naghihintay

Tatawag ang barkada sa kanila'y sasama
Lagot na namang bata ka
Kapag nangangat'wiran ako'y pagagalitan
'Di ko alam ang gagawin ako'y walang kalayaan
Sunod sa utos lamang

Ako ang nakikita ako ang nasisisi
Ako ang laging may kasalanan
Paggising sa umaga sermon ang almusal
Bago pumasok sa eskuwela

Kapag nangangatwiran ako'y pagagalitan
'Di ko alam ang gagawin
Ako'y sunod-sunuran ayaw man lang pakinggan
Nasasaktan ang damdamin ako'y walang kalayaan
Sunod sa utos lamang

Ako ang nakikita ako ang nasisisi
Ako ang laging may kasalanan

Curiosidades sobre la música Estudyante Blues del Freddie Aguilar

¿Cuándo fue lanzada la canción “Estudyante Blues” por Freddie Aguilar?
La canción Estudyante Blues fue lanzada en 2007, en el álbum “Freddie Aguilar with the Watawat Band”.

Músicas más populares de Freddie Aguilar

Otros artistas de World music