Anak Epilog

No'ng isilang ka sa mundong ito
Laking tuwa ng magulang mo
At ang kamay nila ang iyong ilaw
At ang nanay at tatay mo'y

'Di malaman ang gagawin
Minamasdan pati pagtulog mo
At sa gabi'y napupuyat
Ang iyong nanay sa pagtimpla ng gatas mo
At sa umaga nama'y kalong ka ng iyong amang tuwang-tuwa sa 'yo
Ngayon nga ay malaki ka na

Ang nais mo'y maging malaya
'Di man sila payag walang magagawa
Ikaw nga ay biglang nagbago
Naging matigas ang iyong ulo

At ang payo nila'y sinuway mo
'Di mo man lang inisip na ang kanilang ginagawa'y para sa 'yo
'Pagkat ang nais mo'y masunod ang layaw mo 'di mo sila pinapansin
Nagdaan pa ang mga araw at ang landas mo'y naligaw
Ikaw ay nalulong sa masamang bisyo

At ang una mong nilapitan ang 'yong inang lumuluha
At ang tanong anak ba't ka nagkaganyan
At ang iyong mga mata'y

Biglang lumuha nang 'di mo napapansin
Pagsisisi ang sa isip mo't nalaman mong ika'y nagkamali
Pagsisisi ang sa isip mo't nalaman mong ika'y nagkamali

Kahapon ay nilimot mo
Pati ang iyong masamang bisyo
Laking pasalamat ng magulang mo
Ikaw nga ay tuluyang nagbago natagpuan ang sarili

Galaw ng isip mo matuwid na
Patuloy ang takbo ng araw at ikaw ay natutong umibig
'Di naglaon at ipinasya mong lumagay ka na sa tahimik

Pagkabinata mo'y natapos na
Malapit ka nang maging ama
Kaya lalong nagsikap nang husto
Dumating ang iyong hinihintay
Sinilang ang panganay mo

Parang langit ang 'yong nadama
Ngayon anak alam mo na
Kung ano'ng pakiramdam nang maging isang ama
Ganyan din ang nadarama
Ng iyong ama't ina nang ikaw ay makita

Ngayon iyong naramdaman
Ngayon iyong naranasan
Ngayon iyong maiintindihan
Tama pala ang iyong ina
Tama pala ang iyong ama

Ngayon hindi ka na magtataka
Hindi pala birong maging magulang
Oh ngayon iyong dinaranas
Hindi pala birong maging magulang
Oh ngayon iyong dinaranas
Hindi pala birong maging magulang
Oh ngayon aking dinaranas

Músicas más populares de Freddie Aguilar

Otros artistas de World music