Rapstar

'Di niyo na pwede masisi kung ba't gan'to
Ginaganapan ko lang na natural
Tsaka inagapan ko na mautal
Nilaban, sinugal, ginapang, minahal
Katagalan, natutunan ko nang tumagal
Tsaka alam ko naman na inaabangan
Na sana tabangan 'yung papakawalan
Para 'di naabangan
Kaso nga lang palaban na batang Alabang
Kinalakihan na galingan nang galingan
Kaya nakasanayan kong makabuo ng madiin
'Di ko namalayang na malayong malayo na pala
Na 'yung narating pati ako napaling
Mga naniwala 'di ko pwedeng biguin
'Di ko pwede pakitaan na bitin
Mga tenga na kailangan busugin ko pa din
Kahit kabisado na kilitiin

Alam ko na may mata na nagbabantay
Kung pa'no ako sasablay, matyagang nag-aantay
Kung kailan ako tatamlay at lalaylay
'Yung mga laway na laway na
Makita ako na mahina umay na umay na manira
Ngalay na ngalay na manghila
Kasi nga walang pinakitang hindi pamatay
Nung napasarap mag rap ang daming nagbago
Daming nagbago mula nung kilalanin ng tao
Daming nagtulak sa'kin palaging maging ganado
Palaging plakado
'pag gumalaw palaging planado

Daming pasabog kailangan
'pag malawak ang sakop
Ikaw din ang talo sa laban
'pag nabalot ng takot kung sa'n ka aabot
Hakutin lahat nang mahahakot
'Yung dami ng pagod ay may sukli
'pag 'di ka madamot
At kung hindi ko tyinaga baka
Nauwi na sa wala ganito pala 'to kalala
Kita mo naman ang napala
Pa'no kung hindi ko ginawa
'yung iba 'di makahalata
Malaki na ang nakataya
Marami na pwede mawala
Kaya 'di na pwede pabaya
Hindi pwede puro mamaya
Baka sa huli mapahiya, totoo na parang himala
Nagsimula sa ibaba, tiningala
Matagal ko din 'yang kinapa kada gawa
Gumanda pa 'yung kalidad
'di mo nakitang binaba
Dumarami pang nagdududa
Puro kilos ang inuuna
Ngayon kita mo namumunga, tumutubo na
Napakarami ko nakukuha pero 'di
Pa rin nalulula

Ta's sa ugali wala pa ring binago
Tao pa rin 'pag humaharap sa tao
Pero 'pag usapang rap, paiba-iba 'ko
Literal na may bago kang aabangan
Sa tuwing may ilalabas na bago

'Yun ang ginawang pambawi sa nakikinig palagi
Para mas lalo sila ganahan
'di 'yung mga bago ko hanapin
'Yung iba naman nababawan pero
'di na para atupagin
'Di kasi nila maunawaan na
'yung bulsa ko pinapalalim
Kahit papa'no naman naganapan
Ko paunti paunti
Gumalaw ng pino, hindi maitatanggi
Iba din na laking Munti
Tila may anting-anting sa galing
Himala 'yung kuting ay naging kambing
Sa dami ng hinain na putahe
Pwedeng akalain malaking canteen
'Yung iba nakahalata na sa pang-anim na plaka
Nagiging malala bigla
Lalo 'pag babaliktad na binasa
Bago magawa ang 'di ko pa
Nagagawa maiba lang ang lasa
Para maipakita ko na 'di ako
Gumagawa nang basta basta

Ngayon lalo pang nananabik
Kasi meron nang bumabalik
Gagawin ko pa rin nang gagawin
Ngayon sa'n pa kaya ako nito dadalhin

Subok na subok na 'yung
Lagi niyong sinusubok 'to 'Yung mga nanubok
'yung ilong umusok tsaka kumulo tumbong
'Eto na ngayon 'yung mga
Sinabihan niyong gunggong
Sa tuktok na kami tumutungtong
'eto 'yung hindi niyo matutunton
Tsaka ramdam niyo na rin na
Pataas kami nang pataas
Kada labas kahit hindi madalas
Palakas pa rin nang palakas
Sa'min na 'tong palabas
Mabanas kayo nang mabanas
Pagka-usapang 'Pinas
Pasok kami d'yan hindi na mapapalabas
'Wag ka na magtaka, ba't nangyari at papa'no
Kasi kitang-kita niyo naman
Malinaw pa sa klaro
Sarili na lang ang tinatalo, oo
Wala nang iba
Halata kasi nga nung 'yung uso naiba
Oh, 'di ba 'yung iba nabura

Músicas más populares de Flow-G

Otros artistas de Asiatic music