Buhay Sa Amerika [Live]

Kung lunes hanggang Biyernes sa trabaho abala
Kung Sabado habang nagpapahingay naglalaba
At kung Linggo kadalasan ay nagtitinda pa
Ng kung ano-ano basta alam na kikita

Sa dami ng mga binabayarang hulugan
Hanggang sa pagtulog nagbibilang ang isipan
Bagay na totoo at hindi kataka-taka
Marami ang ganyan ang buhay sa Amerika

O ang buhay sa Amerika
Hindi laging langit at hindi laging masaya
Lalo na kung malayo sa iyong minamahal
Oras araw buwan taon ay parang mabagal

O ang buhay sa Amerika
Hindi laging langit at hindi laging sagana
Kaya doon sa nangangarap na dito tumira
Isa dalawa tatlong beses na mag-isip muna

Dito'y pauutangin ka hanggang sa mabaon
Susubsob ka sa hanapbuhay para umahon
Inaasahang suweldo kahit gaano kataas
Lumiliit matapos na ang buwis ay makaltas
Dito'y marami rin nagtatagot tumatakbo
Dahil sa ang papel nila'y hindi pa kumpleto

Mayrong napipilitang ng magpakasal
Kahit na magbayad basta lamang maging legal

O ang buhay sa Amerika
Minsan ay malungkot minsan ay katawa-tawa
At kung ako lamang ang siya ninyong tatanungin
Kung minsan ay mabuti pa ang naroon sa atin

O ang buhay sa Amerika
Hindi laging langit at hindi laging maganda
Ang kainaman lang ay kung ating pagsawaan
Mayrong bansa tayong tiyak na mau-uwian

Bayan kong Pilipinas tayo'y kanyang tatanggapin kahit anong oras
Pilipinas kong mahal kita'y hindi maipagpapalit kahit kailan

Músicas más populares de Florante

Otros artistas de Folk rock